Magnitude 3.6 na lindol, tumama sa Surigao del Norte
By Angellic Jordan November 23, 2020 - 08:15 PM
Tumama ang magnitude 3.6 na lindol sa Surigao del Norte, Lunes ng gabi.
Ayon sa Phivolcs, namataan ang episentro ng lindol sa layong 52 kilometers Northeast ng Burgos.
Naramdaman ang pagyanig bandang 7:10 ng gabi.
Isang kilometro ang lalim ng pagyanig at tectonic ang origin.
Gayunman, walang naitalang pinsala at intensities sa Burgos at mga kalapit-lalawigan.
Sinabi rin ng Phivolcs na walang inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.