Karumal-dumal na Maguindanao masaker, hindi na dapat mangyari pang uli – Mangudadatu
Kasabay ng paggunita ng ika-11 taon ng Maguindanao masaker, iginiit ni Maguindanao Rep. Esmael “Toto” Mangudadatu na hindi na dapat maulit ang karumal-dumal na krimen.
Sinabi ni Mangudadatu na hindi na dapat magkaroon pa ng kaparehong malagim na insidente na kumitil ng 58 buhay kasama na dito ang 32 miyembro ng media.
Dahil dito, umapela ang mambabatas sa publiko na makipagtulungan sa mga awtoridad at palagiang maging alerto.
Malaking panganib aniya sa seguridad ng mga pamilya ng mga biktima at sa witnesses ang 80 pang mga suspek na nanatiling “at large.”
Hanggang ngayon kasi aniya ay nakakatanggap pa rin ang mga pamilya at witnesses ng pagbabanta sa kanilang buhay at seguridad.
Nababahala rin ang kongresista dahil hanggang ngayon ay may mga apela pa rin ang mga convicted at baka sa isang iglap ay biglang mawala ang hustisyang kanilang pinagsumikapang makamit.
Nagpasalamat naman si Mangudadatu kay Pangulong Rodrigo Duterte at kay Judge Jocelyn Solis-Reyes sa pagtiyak ng hustisya para sa kanilang mga pinaslang na mahal sa buhay.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.