Ginamit na COVID-19 vaccine nina Lacson at Romualdez, hindi galing sa gobyerno

By Chona Yu November 23, 2020 - 05:23 PM

Hindi galing sa gobyerno ang bakuna kontra COVID-19 na ginamit kina Senador Panfilo “Ping” Lacson at Congressman Martin Romualdez.

Tugon ito ng Palasyo sa pahayag ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III na nabakunahan na sina Lacson at Romualdez.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, kung mayroon mang mga indibidwal na nagpaturok na, tiyak na hindi ito ginastusan ng pamahalaan.

Nangako kasi aniya si Pangulong Rodrigo Duterte na oras na may bakuna, uunahing bigyan ang mga mahihirap, ang mga frontliner, mga sundalo at ang mga pulis.

“Kung mayroon hong ibang mga tao na nakapagbakuna na, hindi po iyan galing sa gobyerno. Ang assurance ng Presidente, basta binili po ng ating gobyerno, uunahin ang pinakamahihirap,” pahayag ni Roque.

TAGS: covid 19 vaccine, COVID-19 response, Inquirer News, Radyo Inquirer news, Rep. Martin Romualdez, Sec. Harry Roque, Sen. Panfilo Lacson, covid 19 vaccine, COVID-19 response, Inquirer News, Radyo Inquirer news, Rep. Martin Romualdez, Sec. Harry Roque, Sen. Panfilo Lacson

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.