Dahil dito, inihain ni Vargas ang House Resolution 1361 para silipin ang status ng nasabing mga programa.
Partikular na gustong malaman ng kongresista kung anong ginagawa ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) at iba pang kaukulang ahensya para tugunan ang problema sa illegal logging sa protected areas gaya ng Sierra Madre.
Dapat rin aniyang maipaliwanag kung bakit patuloy na pinapayagan ang quarrying activities sa Marikina watershed.
Binanggit ni Vargas sa resolusyon na base sa National Greening Program (NGP) noong 2011, itinakda sa 1.5 bilyong puno ang target na maitanim sa 1.5 milyong ektarya ng lupa hanggang 2016.
Bagama’t sinasabi anya ng DENR na nasa 1.7 bilyon ang naitanim na puno sa loob ng limang taon, makikita naman sa datos na nasa 23 percent lamang ang kabuuang forest cover ng Pilipinas na pinakamababa sa Asya.