Heavy rainfall warning, nakataas sa ilang lugar sa bansa

PHOTO CREDIT: DOST-PAGASA/FACEBOOK

Nakataas ang heavy rainfall warning ang ilang lalawigan sa bansa.

Sa inilabas na abiso ng PAGASA bandang 2:00, Lunes ng hapon (November 23), ito ay dulot ng Easterlies at Tail-End of a Frontal System.

Nakataas ang yellow warning level sa Camiguin, Misamis Occidental at Zamboanga del Norte.

Dahil dito, sinabi ng weather bureau na posibleng makararanas ng matinding pagbaha sa mabababang lugar.

Maaari ring magkaroon ng pagguho ng lupa sa mga landslide prone area.

Asahan naman ang mahina hanggang katamtaman na kung minsan ay malakas na pag-ulan sa Misamis Oriental, Lanao Del Norte, Lanao Del Sur (Malabang, Bubong), Bukidnon (Manolo Fortich, Sumilao, Impasug-ong, Malaybalay, Kalilangan), Agusan del Norte (Carmen, Buenavista), Agusan del Sur (San Luis), Sarangani (Malapatan, Glan, Kiamba), Davao Occidental (Jose Abad Santos), Zamboanga del Sur (Dumingag, Mahayag, Molave, Sominot, Midsalip, Ramon Magsaysay) at Tawi Tawi.

Sinabi ng weather bureau na mararanasan ito sa susunod na dalawa hanggang tatlong oras.

Pinayuhan ang publiko at disaster risk reduction and management council na manatiling nakatutok sa lagay ng panahon.

Read more...