Konstruksyon ng higit 75,000 classrooms, tapos na – DPWH

By Angellic Jordan November 23, 2020 - 02:40 PM

DPWH photo

Nakumpleto na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang konstruksyon ng mahigit 75,000 classrooms sa buong bansa sa nakalipas na tatlong taon.

Ayon kay DPWH Secretary Mark Villar, oras na ibalik ang face-to-face classes, mas maganda na ang classrooms ang mga mag-aaral sa elementary, secondary at maging sa senior high school.

Sa datos ng kagawaran, natapos na ang pagsasagawa ng 75,479 classrooms kung saan 50,562 ang nagawa noong 2017; 23,161 noong 2018; at 1,756 noong 2019.

Maliban dito, mayroon pang classroom projects ang DPWH katuwang ang Department of Education (DepEd) sa ilalim ng Basic Education Facilities Fund (BEEF) program
na patapos na ring gawin.

Umaasa naman ang kalihim na marami pang proyekto ang matatapos para sa posibleng pagbabalik ng face-to-face classes sa 2021 sa mga lugar na mababa ang banta ng COVID-19.

TAGS: classrooms, DPWH project, Inquirer News, Radyo Inquirer news, Sec. Mark Villar, classrooms, DPWH project, Inquirer News, Radyo Inquirer news, Sec. Mark Villar

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.