Starting salary ng government nurses, ipinadodoble

By Erwin Aguilon November 23, 2020 - 02:13 PM

FILE PHOTO

Isinusulong ni Anakalusugan Rep. Michael Defensor na gawing doble ang starting pay ng mga government nurse.

Sa ilalim ng House Bill 7933 na inihain ni Defensor, nais nito na itaas mula sa Salary Grade 15 patungo sa Salary Grade 21 ang entry-level monthly pay sa mga government nurse o katumbas ng P60,901.

Sa kasalukuyan aniya, ang mga nurse na na-hire sa mga pagamutang pinapatakbo ng Department of Health (DOH) ay nakakatanggap ng starting pay na P32,053.

Iginiit ni Defensor na hindi man mapantayan ng bansa ang starting pay ng nurses sa North America at Europe ay maaari namang matumbasan ng bansa ang rate na iniaalok ng employers sa Middle East.

Inihalimbawa pa ng kongresista ang paunang sweldo ng nurses sa Saudi Arabia na nasa P60,000 sa mga ospital at P80,000 naman sa “private duty” nurses.

Layunin ng panukala na maiwasan ang pagkaubos ng nurses sa bansa dahil sa patuloy na pag-a-abroad at maitaas din ang standard living ng mga ito.

Taun-taon aniya ay 19,000 nurses na ang nawawala sa ating bansa para magtrabaho sa foreign employers kumpara sa 12,000 Filipino nurses na nag-a-abroad 10 taon ang nakalipas.

TAGS: 18th congress, government nurses starting salary, House Bill 7933, Inquirer News, Radyo Inquirer news, Rep. Michael Defensor, Salary Grade 21, 18th congress, government nurses starting salary, House Bill 7933, Inquirer News, Radyo Inquirer news, Rep. Michael Defensor, Salary Grade 21

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.