Palasyo, itinangging binu-bully ang mga anak ni VP Robredo

Mariing itinanggi ng Palasyo ng Malakanyang na binu-bully ang mga anak ni Vice President Leni Robredo

Pahayag ito ng Palasyo matapos makatanggap ng mga batikos ang mga anak ni Robredo nang mag-post sa Twitter na tila naghahanap kay Pangulong Rodrigo Duterte sa kasagsagan ng Bagyong Ulysses.

Ayon kay Presidential spokesman Harry Roque, hindi maiwasan na magkomento ng iba dahil tila nakisawsaw sa isyu ang mga anak ni Robredo.

Ayon kay Roque, hindi niya alam kung sino ang nambu-bully sa mga anak ni Robredo.

Ina rito ay umalma si VP Robredo at sinabing may karapatan din naman ang kaniyang mga anak na maghayag ng kanilang mga saloobin sa mga ipinatutupad na patakaran ng gobyerno, tulad din ng ibang mamamayang Filipino.

Pero sa halip na pagtuunang pansin pa ng Palasyo ang usaping ito, mas makabubuti sana aniya kung gamitin na lamang ang panahon para sa pagtulong sa marami pang mga kababayang nangangailangan matapos ang mga nagdaang kalamidad.

Read more...