WATCH: Daan-daang katao kumasa sa panawagang clean-up drive sa Kasiglahan Village, Rodriguez, Rizal

By Dona Dominguez-Cargullo November 23, 2020 - 12:52 PM

Nagkasa ng malawakang clean-up drive ang Pamahalaang Bayan ng Montalban para sa marami pang lugar sa na sinalanta ng Typhoon ng Ulysses na kailangan pa ding linisin.

Mahigit isang linggo matapos tumama ang bagyo, makapal pa ang putik at marami pang basura sa maraming lugar ng Kasiglahan Village, Brgy. San Jose na nalubog sa tubig-baha.

Ayon kay Arnel De Vera mula sa Office of the Mayor ang mga tumugon sa panawagan para sa clean-up drive ay tatanggap ng P300 na honoraria.

Pero ang mga tumugon aniya sa panawagan ay hindi habol ang honoraria kundi nais nilang magkawang-gawa para makatulong sa mga nasalanta ng bagyo.

Tinutukan ng clean-up drive ang Phase 1K, 1K1 at 1K2, gayundin ang Phase 1D at 1B at Block 12.

Sinabi ni De Vera na naglaan ng pondo para sa 100 katao lamang na tutulong sa paglilinis.

Subalit sa dami ng nais na tumulong ay umabot sa humigit-kumulang 300 katao ang nag-volunteer.

Para sa mga hindi mabibigyan ng P300 na honoraria, sila ay bibigyan ng pamahalaang lokal ng bigas.

Libre din ang pagkain para sa lahat ng tumulong sa paglilinis.

Narito ang buong ulat ni Dona Dominguez-Cargullo:

TAGS: Breaking News in the Philippines, clean-up drive, Inquirer News, Kasiglahan Village, Philippine News, Radyo Inquirer, Rodriguez Rizal, Tagalog breaking news, tagalog news website, Breaking News in the Philippines, clean-up drive, Inquirer News, Kasiglahan Village, Philippine News, Radyo Inquirer, Rodriguez Rizal, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.