2 babaeng NPA commanders naaresto sa Bukidnon

By Jan Escosio November 23, 2020 - 12:11 PM

Naaresto ng mga tauhan ng Army 4th Infantry Division ang dalawang babaeng opisyal ng New People’s Army sa Malaybalay City, Linggo ng gabi.

Kinilala ang dalawa na sina Lorna Micabalo, alias Ating, ang finance officer ng SRC4 at Jean Montemayor alias Inka, ang finance officer naman ng Guerrila Front 68.

Sinabi ni Capt. Linley Marl Dajao, ang tagapagsalita ng 4th ID, si Micabalo ang misis ni Dionesio Micabalo, ang commanding officer ng NCMRC, na may patong sa ulo na P5 milyon.

Isinilbi sa dalawa ang warrants of arrest para sa mga kasong kidnapping, serious illegal detention, rebellion, murder at illegal possession of explosives.

Natunton sila alas-11 ng gabi sa Barangay Kalunsungay sa Malaybalay City at nakuha sa kanila ang isang improvised explosive device, mga subersibong dokumento at medical paraphernalia.

Ayon pa kay Dajao naaresto sina Micabalo at Montemayor base sa mga impormasyon mula sa komunidad.

 

 

 

TAGS: AFP, Army, Breaking News in the Philippines, bukidnon, Inquirer News, NPA, Philippine News, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, AFP, Army, Breaking News in the Philippines, bukidnon, Inquirer News, NPA, Philippine News, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.