Meralco may scheduled power interruption sa Laguna, Cavite, QC, Caloocan at Rodriguez Rizal

INQUIRER FILE PHOTO/RAFFY LERMA
INQUIRER FILE PHOTO/RAFFY LERMA

Magsasagawa ng pagkukumpuni at paglilipat ng pasilidad ang Meralco ngayong araw sa ilang bahagi ng Laguna, Cavite, Quezon City, Caloocan at Rodriguez Rizal.

Dahil dito, may mga bahagi ng nasabing mga lugar na maapektuhan ng power interruption ngayong araw (March 18).

Sa abiso ng Meralco, sa Laguna, apektado ng power interruption mula alas 9:00 ng umaga kanina at tatagal hanggang alas 2:00 ng hapon ang Roseville Subdivision sa Barangay Dita sa bayan ng Sta. Rosa.

Ayon sa MEralco, magdaragdag sila ng primary lines sa kabayaan ng Rose Avenue sa loob ng nasabing subdivision.

Sa Laguna rin, may parehong oras ng power interruption sa bahagi ng Magsaysay Road mula A. Mabini St. hanggang sa San Pedro Toll Exit sa Barangay San Antonio sa bayan naman ng San Pedro.

Ang dahilan ng interruption ay ang paglilipat ng pasilidad ng Meralco sa kahabaan ng Magsaysay Road.

Sa Cavite, may power interruption din mula alas 10:00 ng umaga hanggang alas 3:00 ng hapon. Apektado nito ang bahagi ng Greatwoods Subdivision at Greatwoods Highlands Subdivision sa Barangay Molino III at V sa Bacoor Cavite.

Samantala, dalawang beses na maiksing power interruption naman ang mararanasan sa bahaging Barangay San Jose sa Rodriguez, Rizal.

Mula alas 10:00 ng umaga hanggang alas 10:30 ng umaga at alas 2:30 ng hapon hanggang alas 3:00 ng hapon ang power interruption sa bahagi ng E. Rodriguez Avenue mula sa Wilcon Builders Depot hanggang sa Orlon St. sa nasabing barangay.

Sa Quezon City, alas 9:00 ng umaga hanggang alas 2:00 ng hapon ang power interruption sa bahagi ng Masunurin St. sa Barangay Sikatuna Village.

Magpapalit naman ang Meralco ng mga sira nang poste sa bahagi ng Masunurin St.

Parehong oras din ang power interruption sa Caloocan City at apektado ang bahagi ng Lapu – Lapu St. mula sa Malvar St. hanggang sa T. M. Kalaw, D. Silang at Villa Imelda Streets sa Phase 5B Package 1 & 2, Bgy. Bagong Silang – Kanan.

Tiniyak naman ng Meralco na kayang tapusin ang lahat ng pagkukumpuni at paglilipat ng pasilidad ngayong araw.

 

Read more...