“No Used Clothing Donation Policy” bahala na ang Kongreso ayon sa Malakanyang

By Chona Yu November 23, 2020 - 11:59 AM

Ayaw nang manghimasok ng Palasyo ng Malakanyang sa pahayag ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na dapat ipagbawal na ang pagbibigay ng mga gamit na damit sa mga nasasalanta ng iba’t ibang uri ng kalamidad.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, bahala na ang Kongreso kung kailangang magbago ng batas hinggil sa pagbibigay ng mga used clothing o ukay- ukay.

Ayon kay Roque, nasa batas naman talaga ang pagbabawal sa mga ukay-ukay.

Mas makabubuti aniya na ang Kongreso na ang magpsya kaugnay sa naturang usapin lalo’t tungkulin naman nila ang magbalangkas ng batas.

Batay sa social media post ng DSWD, hindi na hinihikayat ang pagdo-donate ng mga ukay- ukay upang maiwasan na rin ang anumang health hazards na maaaring maipasa mula sa mga gamit na damit.

 

 

 

TAGS: donations, dswd, ukay-ukay, used clothing, donations, dswd, ukay-ukay, used clothing

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.