Panukalang magbibigay-proteksyon sa online consumers at sellers, lusot na sa ikalawang pagbasa ng Kamara

By Erwin Aguilon November 23, 2020 - 11:48 AM

Pasado na sa ikalawang pagbasa ng Kamara ang Internet Transactions Act na layong matigil ang panloloko sa online transactions.

Sa viva voce voting, nakalusot sa ikalawang pagbasa ang House Bill 7805 na magbibigay-proteksyon sa online consumers at sellers.

Sa ilalim ng panukala, lilikha ng e-Commerce Bureau sa ilalim ng Department of Trade and Industry na siyang magpapatupad, magbabantay at titiyak na nasusunod ang Internet Transactions Act.

Bibigyan ito ng kapangyarihang mag-imbestiga at maghain ng kaso laban sa mga lalabag, at siya ring tatanggap at tutugon sa reklamo ng consumers sa internet transactions.

Para sa online sellers na hindi magpaparehistro, pagmumultahin ang mga ito ng katumbas ng siyento porsiyentong halaga ng kaniang paninda.

Ang consumers na mapatutunayang lumabag sa batas ay magbabayad ng P50,000 multa habang ang seller ay mula kalahating milyon hanggang 5 milyong piso at babawiin rin ang lisensya.

 

 

 

 

 

TAGS: Department of Trade and Industry, e-Commerce Bureau, House Bill 7805, Internet Transactions Act, Department of Trade and Industry, e-Commerce Bureau, House Bill 7805, Internet Transactions Act

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.