1,844 na customers ng Meralco wala pa ding suplay ng kuryente

Mayroon na lamang 1,844 na customers na ng Meralco ang wala pa ring suplay ng kuryente.

Kabilang sila sa mga nawalan ng suplay ng kuryente sa pananalasa ng Typhoon Ulysses.

Sa update ng Meralco, kabilang sa mga wala pa ring suplay ng kuryente ay ilang customers sa San Miguel, San Ildefonso, Norzagaray, Paombong sa Bulacan at Candaba sa Pampanga.

Tuluy-tuloy ang restoration efforts ng Meralco para maibalik ang suplay sa mga apektado pang lugar

 

 

 

 

Read more...