Tail-End ng Frontal System nagdudulot ng pag-ulan sa Bicol Region, Eastern at Central Visayas, Caraga, at Northern Mindanao
Nagdudulot ng pag-ulan sa ilang bahagi ng bansa ang tail-end ng frontal system.
Ayon sa inilabas na weather advisory ng PAGASA, mahina hanggang sa katamtaman at kung minsan ay malakas na pag-ulan ang nararanasan sa Bicol Region, Eastern at Central Visayas, Caraga, at sa Northern Mindanao.
Ang nararanasang malakas na pag-ulan ayon sa PAGASA ay maaring magdulot ng pagbaha sa mabababang lugar at landslides sa bulubunduking lugar.
Patuloy na maglalabas ng thunderstorm at rainfall advisories ang PAGASA Regional Services Divisions.
Inabisuhan ding maging alerto ang publko gayundin din amg Local Disaster Risk Reduction and Management Offices.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.