70 percent ng populasyon ng mga Pinoy mababakunahan kontra COVID-19

Tiniyak ng Palasyo ng malakanyang na 70 percent ng populasyon ng Pilipinas ang mababakunahan kontra COVID-19.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, sa ngayon mayroon nang kasunduan ang Food and Drug Administration (FDA) sa State Department ng Amerika para sa bakuna na gawa ng Pfizer.

May mga kasunduan na rin aniya ang Pilipinas sa ibang bansa para sa karagdagang bakuna.

“Napakaaga ka po ay mayroon na pong kasunduan tayo sa level po ng DFA at saka ng State Department at matagal na po tayong pinangakuan na matapos po ang bakuna na Pfizer ay magkakaroon tayo at bagama’t I am not at liberty to say po kung ilan iyong pinangako nila, ito po ay napakalaki at kasama po iyong mga ibang bakuna na mayroon na ring mga commitments, huwag po kayong mag-alala, iyong target natin na mababakunahan at least 70% ng ating taumbayan ay mangyayari po iyan. At ngayon sa aking press briefing, dedetalyahin po namin talaga kung ano iyong mga hakbang na gagawin ng gobyerno as soon as lumabas na nga iyong bakuna – from financing to actual distribution alas-does po ide-discuss po natin iyan,” ayon kay Roque.

Sa ngayon, sinabi ni Roque na uunahing bigyan ng bakuna ang 24 milyong mga frontliner, mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program ng DSWD, mga sundalo at pulis.

Pangako aniya ito ni Pangulong Rodrigo Duterte na kanyang tutuparin.

“Ang initial order po natin ay para 24 million dahil kasama po diyan iyong mga pinakamahihirap natin, mga 4Ps beneficiaries, ang kasundaluhan, ang kapulisan at ang medical frontliners. So iyan po ang pangako ng Presidente at iyan naman po ay tutuparin niya,” dagdag ni Roque.

 

 

 

 

Read more...