Global cases ng COVID-19 nadagdagan ng halos kalahating milyon sa magdamag

Umabot sa mahigit 486,000 ang naitalang bagong kaso ng COVID-19 sa buong mundo sa nakalipas na magdamag.

Batay sa pinakahuling datos na nakalap ng Radyo INQUIRER hanggang umaga ng Lunes, (Nov. 23) ay 58,967,762 na ang global cases ng COVID-19.

Sa magdamag, mahigit 134,000 ang bagong kaso na naitala sa US.

Habang mahigit 44,000 naman ang bagong kaso sa India at mahigit 18,000 ang bagong kaso sa Brazil.

Narito ang datos ng COVID-19 sa mga bansang may pinakamaraming kaso:

USA – 12,586,514
India – 9,140,312
Brazil – 6,071,401
France – 2,140,208
Russia – 2,089,329
Spain – 1,589,219
UK – 1,512,045
Italy – 1,408,868
Argentina – 1,370,366
Colombia – 1,248,417

 

 

 

 

 

Read more...