LOOK: AFP medical team patungong Davao City para tumulong sa COVID-19 response
Tutulak patungong Davao City ang medical teams ng Armed Forces of the Philippines (AFP).
Ayon sa AFP, tutulong ang kanilang team sa pagresponde sa pandemya ng COVID-19 sa lungsod.
Nagsagawa ng send-off ceremony ngayong umaga ng Lunes, Nov. 23 para sa limang AFP medical teams.
Binubuo sila ng military doctors at nurses, at medical aides na pawang mula sa AFP Health Service Command, Philippine Army, Philippine Navy, at Philippine Air Force.
Magugunitang isinailalim muli sa general community quarantine ng Inter-Agency Task Force ang Davao City dahil sa tumataas na kaso ng COVID-19.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.