Yellow heavy rainfall warning itinaas ng PAGASA sa Samar at Leyte
By Dona Dominguez-Cargullo November 23, 2020 - 08:49 AM
Nataas ng heavy rainfall warning ang PAGASA sa bahagi ng Samar at Leyte.
Ito ay bunsod ng nararanasang malakas at patuloy na pag-ulan sa nakalipas na ilang oras dahil sa easterlies.
Sa inilabas na heavy rainfall warning ng PAGASA alas 8:00 ng umaga ngayong Lunes, Nov. 23 yellow warning na ang umiiral sa Eastern Samar, Samar at Southern Leyte.
Babala ng PAGASA maaring makaranas ng pagbaha sa mabababang lugar.
Inabisuhan ang publiko na maging alerto at mag-antabay sa susunod na mga abiso ng PAGASA.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.