SUV inararo ang mga nagtitinda ng puto sa gilid ng kalsada sa LIgao City, Albay; 8 ang sugatan

Sugatan ang walong katao kabilang ang apat na nagtitinda ng puto sa aksidenteng naganap sa Barangay Paulog Ligao City, Albay.

Isang SUV ang umararo sa mga tindero na nakapwesto sa gilid ng kalsada.

Kinilala ang mga nasugatang nagtitinda na sina Estela Bercasio Calwit, 20 anyos; Honey Mae Menises Bercasio, 20 anyos; Aldrin Menises Bercasio, 22 anyos; at Juie Ann Bercasio, 16 anyos.

Maliban sa apat, nasugatan din ang driver ng SUV na nakilalang si Joey Monasterial Pardines, 38 anyos at taga Caloocan.

Sugatan din ang tatlong mga sakay ng SUV.

Batay sa inisyal na imbestigasyon, bago inararo ng SUV ang pwesto ng mga nagtitinda ay nabangga muna nito ang isang nakaparadang sasakyan sa lugar.

Agad dinala sa ospital ang mga sugatan.

 

 

 

 

 

Read more...