Matapos ideklarang tapos na ang outbreak, mag-asawa nasawi sa Ebola virus sa Guinea

By Dona Dominguez-Cargullo March 18, 2016 - 08:50 AM

Ebola Inq fileMatapos maideklarang tapos na ang outbreak ng Ebola virus noong buwan ng Disyembre, muling nakapagtala ng panibagong kaso ng sakit sa Guinea.

Sa isinagawang test samples sa dalawang nasawing pasyente, natuklasang sila ay tinamaan ng Ebola hemorrhagic fever virus.

Ang dalawang nasawing pasyente ang itinuturing na kumpirmadong kaso sa Guinea at mayroon pang tatlong suspected cases.

Ayon sa ulat, mag-asawa umano ang nasawi na kapwa nakitaan ng sintomas gaya ng pagsusuka at diarrhea.

Sila ay residente ng Korokpara sa southern region ng Nzerekore.

Gumawa na ng hakbang ang health authorities sa bansa para maiwasang kumalat na naman ang sakit.

Noon lamang buwan ng Diyembre ay idineklara na tapos na ang outbreak ng Ebola sa Guinea.

Samantala sa Sierra Leone, kakaanunsyo lamang din ng World Health Organization na natapos na ang outbreak ng Ebola.

TAGS: ebola virus re-emerge in guinea, ebola virus re-emerge in guinea

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.