Mahigit 57,000 households sa Rizal mawawalan ng suplay ng tubig simula Nov. 23 ng gabi hanggang Nov. 24 ng umaga

By Dona Dominguez-Cargullo November 23, 2020 - 05:53 AM

Aabot sa 57,049 na households, commercial at business establishments sa lalawigan ng Rizal ang mawawalan ng suplay ng tubig simula sa mamayang (Nov. 23) gabi.

Ang service interruption ay makaaapekto sa aabot sa 58 mga barangay sa Rizal mula alas 9:00 ng gabi mamaya hanggang alas 6:00 ng umaga bukas, Martes, Nov. 24.

Kabilang sa maaapektuhan ang 3 barangay sa Taytay, 9 na barangay sa Angono, 7 barangay sa Cardona, 21 barangay sa Binangonan, 9 na barangay sa Baras at 9 na barangay din sa Jalajala.

Pinapayuhan ang mga maaapektuhang residente na mag-ipon na ng sapat na suplay ng tubig na kanilang kakailanganin sa oras ng service interruption.

 

 

 

 

TAGS: Angono, Baras, binangonan, Breaking News in the Philippines, cardona, Inquirer News, Jalajala, manila water, Philippine News, Radyo Inquirer, Rizal, service interruption, Tagalog breaking news, tagalog news website, Taytay, water service interruption, Angono, Baras, binangonan, Breaking News in the Philippines, cardona, Inquirer News, Jalajala, manila water, Philippine News, Radyo Inquirer, Rizal, service interruption, Tagalog breaking news, tagalog news website, Taytay, water service interruption

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.