Central Luzon apektado na din ng Amihan; Easterlies umiiral sa iba pang bahagi ng bansa
Maliban sa Northern Luzon, apektado na din ng Northeast Monsoon o Amihan ang Central Luzon.
Ayon sa PAGASA, ang Amihan ay magdudulot ngayong araw ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may isolated na mahihinang pag-ulan sa Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Cagayan Valley, at Central Luzon.
Samantala, easterlies naman ang umiiral sa eastern sections ng Southern Luzon at sa Visayas.
Ang easterlies ay magdudulot naman ng maulap na papawirin ngayong araw na mayroong kalat-kalat na pag-ulan sa Visayas, Bicol Region, at Caraga.
Sa Metro Manila at sa nalalabi pang bahagi ng bansa ay localized thunderstorms lamang ang iiral.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.