Bilang ng active cases sa Mandaluyong City nadagdagan pa

Nadagdagan pa ang bilang ng coronavirus disease o COVID-19 active cases sa lungsod ng Mandaluyong.

Sa datos ng Mandaluyong City Health Department (Linggo, November 22, 3:45 PM), umabot na sa 116 ang bilang ng active cases sa lungsod kung saan nakapagtala ng 10 bagong kaso.

Ang bilang naman ng mga gumaling na o naka-recover na ay 5,450 kung saan 19 ang bagong naitala.

Ang bilang naman ng nasawi sa virus ay nanatili sa 183.

Umabot naman na sa 5,749 ang kabuuang bilang ng tinamaan ng COVID-19 sa lungsod.

Ang bilang ng probable ay 1 habang 271 naman ang suspected cases.

Ayon sa Mandaluyong City Health Department ang pagtaas ng bilang ng mga bagong kaso ng tinamaan ng virus at suspected cases ay resulta ng mas pinaigting na mass testing at contact tracing sa lungsod. Ang hakbang ay ginawa upang matukoy at agarang mabigyan ng karampatang lunas ang mga nagpositibo.

Read more...