Bilang ng COVID-19 positive cases sa CALABARZON pumalo na sa 59,750

Tumaas pa ang bilang ng mga nagpositibo sa coronavirus disease o COVID-19 sa Region 4A o CALABARZON.

Ayon sa huling datos mula sa Department of Health Center for Health Development Region 4A (DOH CHD 4A), araw ng Linggo (November 22, 3:00 PM) nakapagtala ng 241 na bagong kaso kaya pumalo na sa 59,750 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng virus sa rehiyon.

Narito ang bilang ng mga nagpositibo:
Cavite – 15,951
Laguna – 16,167
Batangas – 10,397
Rizal – 12,398
Quezon – 4,837

Ang bilang ng active cases sa lalawigan ay 7,563.

Nasa 50,601 na ang bilang ng mga nakarecover kung saan nakapagtala ng 141 na bagong recoveries.

Narito ang bilang ng mga nakarecover:
Cavite – 13,090
Laguna – 14,746
Batangas – 9,448
Rizal – 10,782
Quezon – 2,535

Ang COVID-19 related deaths sa rehiyon ay nadagdagan ng 11 kaya umabot na sa 1,586 ang bilang.

Narito naman ang bilang ng mga nasawi sa mga lalawigan:
Cavite – 409
Laguna – 352
Batangas – 296
Rizal – 402
Quezon – 127

Paalala ng DOH CHD 4A na masusing sundin at gawin ang mga sumusunod upang maiiwasan ang pagkalat at pagtaas sa bilang ng mga tinatamaan ng COVID-19:

1. Social distancing
2. Proper hygiene (pagiging malinis sa katawan)
3. Proper cough etiquette
4. Pagsusuot ng face mask kung may importanteng lakad sa labas ng tahanan.
5. Healthy Lifestyle (pag-eehersisyo, pagkain ng mga masusustansyang gulay at prutas) at
6. pananatili sa loob ng bahay.

Read more...