Kiamba, Sarangani niyanig ng lindol

Niyanig ng magnitude 3.0 na lindol ang lalawigan ng Sarangani.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 34 kilometers southwest ng bayan ng Kiamba, alas-12:06 umaga ng Lunes (November 23).

May lalim na 14 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.

Wala namang naitalang pagkasira ng mga ari-arian, intensities at aftershocks bunsod ng pagyanig.

Read more...