Relief operations ng PCG sa Bulacan, tuloy pa rin

PCG photo

Tuloy pa rin ang mga ikinasang relief operations ng Philippine Coast Guard (PCG) sa Hagonoy, Bulacan.

Simula Linggo ng madaling-araw (November 22), magkatuwang ng lokal na pamahalaan ang Coast Guard District NCR, Central Luzon, at CG Logistics System Command sa pamimigay ng tulong.

Aabot sa 700 pamilya ang naabutan ng tulong sa iba’t ibang barangay sa Hagonoy.

Narito ang mga barangay na nabigyan ng tulong:
– Brgy. Iba – 200 families
– Brgy. Palapat- 100 families
– Brgy. San Miguel- 100 families
– Brgy. San isidro- 100 families
– Brgy. Mercado- 100 families
– Brgy. Abulalas- 100 families

Kabilang ang nasabing bayan sa mga sinalanta ng Bagyong Ulysses.

PCG photo
Read more...