Isang kalsada sa Pasig, isasara simula sa Nov. 23

Abiso sa mga motorista!

Pansamantalang isasara ang isang kalsada sa Pasig simula sa Lunes, November 23, 2020.

Ayon sa Pasig Public Information Office, isasara ang bahagi ng Col. P. Licsi Street mula 9:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon.

Layon nitong bigyang-daan ang underground installation ng PLDT FiberHome.

Inaasahang matatapos ang installation sa December 4, 2020.

Inabisuhan naman ang mga motorista na dumaan muna sa mga alternatibong ruta.

Read more...