Pumalo na sa P13 bilyong halaga ng agrikultura at imprastraktura ang nasira dahil sa Bagyong Ulysses.
Ayon sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), nasa P8.69 bilyong halaga ng imprastraktura ang nasira sa Ilocos region, Cagayan Valley, Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa, Bicol region, Cordillera administrative region (CAR), at Metro Manila.
Nasa P4.21 bilyong halaga naman ng agrikultura ang nasira sa Ilocos region, Cagayan Valley, Central Luzon, Calabarzon, Bicol region, CAR, at National Capital Region.
Matatandaang ang bagyong Ulysses ang pinakamalakas na bagyo sa buong mundo sa taong 2020.
MOST READ
LATEST STORIES