Lagay ng mga manggagawa sa Skyway, pinaiimbestigahan

By Radyo Inquirer News Team November 22, 2020 - 06:50 PM
Muntinlupa DRRMO photo

Pinaiimbestigahan na ni Labor Secretary Silvestre Bello III ang lagay ng mga manggagawa sa Skyway.

Pahayag ito ni Bello matapos masawi ang isang manggagawa at masugatan ang apat na iba nang mabagsakan ng tinatawag na steel girder mula sa Skyway Extension ang limang sasakyan sa East Service Road at-grade section sa Barangay Cupang sa Muntinlupa.

Ayon kay Bello, nais niyang malaman kung sumusunod sa occupational health at safety standards ang EEI Corporation na contractor ng proyekto.

Una nang nangako ang EEI na susuriin muli ang kanilang protocols at nagpalabas na rin ito ng mensahe ng pakikiramay sa biktima.

TAGS: east service road, EEI Corporation, Inquirer News, Radyo Inquirer news, Sec. Silvestre Bello III, Skyway, Skyway Extension, east service road, EEI Corporation, Inquirer News, Radyo Inquirer news, Sec. Silvestre Bello III, Skyway, Skyway Extension

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.