BREAKING: Mga naka-recover sa COVID-19 sa Pilipinas, pumalo na sa 386,486

Halos 2,000 ang panibagong kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.

Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Linggo (November 22), umabot na sa 418,818 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.

Sa nasabing bilang, 24,209 o 5.8 porsyento ang aktibong kaso.

Sinabi ng kagawaran na 1,968 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.

82.5 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 8.2 porsyento ang asymptomatic; 0.28 porsyento ang moderate; 3.2 porsyento ang severe habang 5.8 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.

Nasa 43 naman ang napaulat na nasawi.

Dahil dito, umakyat na sa 8,123 o 1.94 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.

Ayon pa sa DOH, 10,957 naman ang gumaling pa sa COVID-19.

Dahil dito, umakyat na sa 386,486 o 92.3 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.

Read more...