Investment plan sa Balik Probinsiya program, inihirit ni Sen. Go
Hinikayat ni Senator Christopher Go ang gobyerno na maglatag ng investment plan kasabay nang pagpapatupad ng Balik Probinsiya, Bagong Pag Asa Program (BP2).
Ito aniya ay para matiyak ang pantay na pag-unlad maging sa mga lalawigan.
Naniniwala rin ito na makakatulong ang plano sa mga komunidad para makabangon sa epekto ng pandemya.
Ang BP2 ay ikakasa kapag nalagpasan na ng bansa ang krisis dala ng COVID-19.
“Layunin po ng programang ito na mabigyan ng bagong pag-asa ang mga Pilipino na may hinaharap silang maayos na kinabukasan pagkatapos ng krisis at tutulungan sila kung sakaling gusto nilang bumalik sa kanilang mga probinsya,” paliwanag ni Go.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.