Mga senador, kinabahan nang mag-positibo sa COVID-19 si Sen. Bato

By Jan Escosio November 21, 2020 - 05:00 PM

Inamin ni Senate President Vicente Sotto III na kinabahan ang mga senador na nasa Senado nang malaman na nag-positibo sa COVID-19 si Senator Ronald dela Rosa.

Aniya, agad niyang pina-review ang CCTV footages para malaman kung sinu-sino ang nakahalubilo ni dela Rosa nang magtungo ito sa Senado.

Samantala, nagpatawag naman agad ng doktor si Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri at nagpadala rin ng swab test kits para sa mga nasa Senado noong Miyerkules.

Nang lumabas ang mga resulta madaling araw ng Sabado ay nag-negatibo naman sa Coronavirus ang lahat.

Ayon kay Sotto, maingat naman si dela Rosa dahil palagi itong naka-mask at face shield.

Ibinahagi rin nito na humina ang resistensiya ni dela Rosa nang maulanan ito sa pagbibisikleta kasama ang anak.

Nasabi rin ni Sotto na sasailalim din sa quarantine ang mga sumailalim sa swab test.

TAGS: COVID-19, Inquirer News, Radyo Inquirer news, Sen. Bato Dela Rosa COVID-19 positive, Senate, Senate COVID-19 cases, COVID-19, Inquirer News, Radyo Inquirer news, Sen. Bato Dela Rosa COVID-19 positive, Senate, Senate COVID-19 cases

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.