Bilang ng naipamahaging relief packs sa Cagayan, umabot na sa 20,857

Umabot na sa 20,857 relief packs ang naipamahaging relief packs sa iba’t ibang bayan ng Cagayan.

Ayon sa Cagayan Public Information Office, tuluy-tuloy ang pagpapadala ng relief packs sa lalawigan sa pamamagitan mula aerial relief operations ng Philippine Air Force, at mga operasyon ng Provincial Social Welfare and Development Office, Task Force Lingkod Cagayan at Philippine National Police (PNP).

Saku-sakong bigas, de lata at iba’t ibang pangunahing pangangailangan ang ipinamamahagi sa mga apektado ng baha.

Mula November 15 hanggang 19, nasa 11,450 packs ang naibaba habang 9,407 naman ang naipadala noong November 20.

Tuluy-tuloy pa rin ang pagdagsa ng tulong at relief operations sa nasabing probinsya.

Read more...