ASEAN 2017, gaganapin sa Pilipinas

By Kathleen Betina Aenlle March 18, 2016 - 04:31 AM

 

Inquirer file photo

Inanunsyo ni Communications Sec. Herminio Coloma Jr. na ang Pilipinas ang napiling mag-host ng ASEAN Summit sa susunod na taon, na siya ring paggunita ng ika-50 anibersaryo ng organisasyon.

Tikom naman si Coloma tungkol sa mga detalye ng pagtitipon, dahil aniya, ang susunod na administrasyon na ang bahala doon.

Depende na aniya sa susunod na mamumuno ang pakikipag-ugnayan sa mga lokal na pamahalaan na kailangang kausapin para sa mga partikular na detalye tulad na lamang ng kung saan ito gaganapin.

Tumungo si Coloma sa Cebu para sa ASEAN Ministers Responsible for Information, kung saan inihayag niya ang na dapat ipaalam sa lahat ang kalagahan ng pagkakaisa ng ASEAN./Kathleen Betina Aenlle

Ngayong taong 2016, sa bansang Laos gaganapin ang ASEAN Senior Officials’ Meeting na itinakda sa buwan ng Mayo.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.