Manay, Davao Oriental niyanig ng lindol

By Angellic Jordan November 21, 2020 - 01:00 PM

Tumama ang magnitude 3.1 na lindol sa Davao Oriental, Sabado ng tanghali.

Ayon sa Phivolcs, namataan ang episentro ng lindol sa layong 47 kilometers Southeast ng Manay bandang 12:14 ng tanghali.

May lalim na 17 kilometers ang lindol at tectonic ang origin.

Gayunman, sinabi ng Phivolcs na walang napaulat na pinsala sa lugar.

Wala ring inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.

TAGS: davao oriental, Inquirer News, magnitude 3.1 quake, Manay, phivolcs, Radyo Inquirer news, davao oriental, Inquirer News, magnitude 3.1 quake, Manay, phivolcs, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.