Tumaas pa ang bilang ng mga nagpositibo sa coronavirus disease o COVID-19 sa Region 4A o CALABARZON.
Ayon sa huling datos mula sa Department of Health Center for Health Development Region 4A (DOH CHD 4A), araw ng Biyernes (November 20, 3:00 PM) nakapagtala ng 311 na bagong kaso kaya pumalo na sa 59,323 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng virus sa rehiyon.
Narito ang bilang ng mga nagpositibo:
Cavite – 15,858
Laguna – 16,024
Batangas – 10,306
Rizal – 12,398
Quezon – 4,737
Ang bilang ng active cases sa lalawigan ay 7,400.
Nasa 50,356 na ang bilang ng mga nakarecover kung saan nakapagtala ng 242 na bagong recoveries.
Narito ang bilang ng mga nakarecover:
Cavite – 13,081
Laguna – 14,584
Batangas – 9,390
Rizal – 10,782
Quezon – 2,519
Ang COVID-19 related deaths sa rehiyon ay nadagdagan ng 13 kaya umabot na sa 1,567 ang bilang.
Narito naman ang bilang ng mga nasawi sa mga lalawigan:
Cavite – 406
Laguna – 337
Batangas – 295
Rizal – 402
Quezon – 127
Paalala ng DOH CHD 4A na masusing sundin at gawin ang mga sumusunod upang maiiwasan ang pagkalat at pagtaas sa bilang ng mga tinatamaan ng COVID-19:
1. Social distancing
2. Proper hygiene (pagiging malinis sa katawan)
3. Proper cough etiquette
4. Pagsusuot ng face mask kung may importanteng lakad sa labas ng tahanan.
5. Healthy Lifestyle (pag-eehersisyo, pagkain ng mga masusustansyang gulay at prutas) at
6. pananatili sa loob ng bahay