Bilang ng mga naka-recover sa COVID-19 sa lalawigan ng Rizal, umabot na sa 11,200

By Mary Rose Cabrales November 20, 2020 - 11:35 PM

Tumaas pa ang bilang ng mga gumaling o naka-recover na sa coronavirus disease o COVID-19 sa lalawigan ng Rizal.

Base sa huling datos ng Provincial/City/Municipal Health Offices ng Rizal (Huwebes, November 19), nadagdagan ng 142 ang bilang ng mga gumaling na sa COVID-19 sa lalawigan kaya umabot na ito sa 11,200.

Sa nasabing bilang 479 ang active cases.

Ang bilang naman ng mga nasawi sa COVID-19 sa lalawigan ay 425 kung saan nakapagtala ng 3 bagong nasawi.

Ang kabuuang bilang ng tinamaan ng virus sa lalawigan ay umabot na sa 12,104 na.

TAGS: coronavirus, COVID-19, doh, Health, Rizal, coronavirus, COVID-19, doh, Health, Rizal

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.