‘We will do our best’-Comelec

March 18, 2016 - 04:32 AM

 

Andres-Bautista-1012-660x371Ngayong nakapagdesisyon na ang Korte Suprema, susunod na lamang ang Comelec na mag-isyu ng resibo sa nalalapit na halalan.

Ayon kay Comelec Chairman Andres Bautista, kanilang sisikaping matiyak na maipapatupad ang kautusan na ito ng Kataas-taasang Hukuman.

“Now that the Supreme Court has decided, we submit and basically we will comply and we will try to do our best to still ensure credible elections on May 9,” pahayag ni Bautista.

Gayunman, paliwanag ni Baustista, magiging simple lamang ang format ng mga ipapalabas na resibo ng mga vote counting machines.

Wala itong magiging security feature tulad ng hashcode at precinct number at iba pa.

Tanging makikita lamang aniya sa resibo ay ang mga katagang ‘Republic of the Philippines.

Samantala, magkakaroon naman ng beripikasyon na tinanggap ng VCM ang balota ng isang botante sa pamamagitan ng on-screen verification na lilitaw sa loob ng 15 segundo.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.