BREAKING: Kaso ng COVID-19 sa Pilipinas, 415,067 na
Mahigit 1,600 ang panibagong kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.
Sa huling datos ng Department of Health (DOH) araw ng Biyernes (November 20), umabot na sa 415,067 ang total confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sa nasabing bilang, 31,805 o 7.7 porsyento ang aktibong kaso.
Sinabi ng kagawaran na 1,639 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.
84.7 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 8.1 porsyento ang asymptomatic; 2.4 porsyento ang severe habang 4.5 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.
Nasa 27 muli ang napaulat na nasawi.
Dahil dito, umakyat na sa 8,025 o 1.93 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Ayon pa sa DOH, 305 naman ang gumaling pa sa COVID-19.
Dahil dito, umakyat na sa 375,237 o 90.4 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.