Sen. Grace Poe pinatitiyak sa DepEd ang kalidad ng learning modules

By Jan Escosio November 20, 2020 - 03:59 PM

Nanawagan si Senator Grace Poe sa DepEd na tiyakin mabuti at busisiin ng husto ang kalidad ng mga ipinamamahaging learning modules sa mga estudyante.

Dapat aniya sensitibo ang mga teaching personnel at sumusunod sa protocols para matiyak na mataas na kalidad ng edukasyon ang nakukuha ng mga mag-aaral.

“The task of educating children cannot be compromised. How we nurture them will determine how well the country will evolve in the future. Beyond grammar, the values we instill in them are crucial,” sabi ng senadora.

Sinabi ni Poe ang naging panghihiya sa isang showbiz personality sa isang learning module sa Occidental Mindoro ay patunay lang na kulang ang ginagawang ‘quality control’ sa learning modules.

“Parang napakahirap isipin na mayroong makakalusot na ganitong klaseng halimbawa. May binanggit na personalidad na sinasabing ‘obese’. May malisya man o wala, hindi tama para sa pangkaraniwang tao. Paano nakalusot ang gano’n?,” himutok ni Poe sa deliberasyon sa Senado sa 2021 budget ng DepEd.

 

 

 

TAGS: Breaking News in the Philippines, deped, Inquirer News, module, Philippine News, Radyo Inquirer, self learning module, Tagalog breaking news, tagalog news website, Breaking News in the Philippines, deped, Inquirer News, module, Philippine News, Radyo Inquirer, self learning module, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.