Japanese sub, bibisita sa Abril

March 18, 2016 - 04:28 AM

 

AFP

Makalipas ang 15 taon, isang submarine mula sa Japan ang bibisita sa bansa.

Kinumpirma ni Navy Public Affairs chief Commander Lued Lincuna na nakatakdang magsagawa ng goodwill visit ang naturang submarine sa pagitan ng April 3 hanggang 6. Makakasama nito sa kanyang paglalakbay ang dalawa pang escort vessels.

Ang pagbisita ng Japanese submarine ay magaganap sa gitna ng agawan ng teritoryo sa pagitan ng China at Japan sa East China Sea.

Sa South China Sea o West Philippines Sea, ang Pilipinas at China naman ang nag-aagawan sa ilang isla at bahura sa rehiyon.

Sa pamamagitan ng goodwill visit na ito, inaasahang mapapalakas ang relasyon sa pagitan ng Philippine Navy at Japanses Maritime Self Defense Force.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.