Miyembro ng Abu Sayyaf Group naaresto sa Saluping Island, Basilan

By Dona Dominguez-Cargullo November 20, 2020 - 03:15 PM

Arestado ang isang miyembro ng Abu Sayyaf Group sa ikinasang operasyon ng mga otoridad sa Saluping Island, Basilan alas 4:45 ng madaling araw ngayong Biyernes, Nov. 20.

Sa incident report ng Philippine Coast Guard (PCG) ang suspek ay kinilalang si Munjiral Kabole na dinakip ng pinagsanib na pwersa ng Philippine National Police (PNP) at PCG.

Isinilbi kay Kabole ang warrant of arrest sa mga kaso nitong kidnapping at serious illegal detention.

Nakuha sa kaniya ang isang granada, Cal .45 pistol na may magazine at pitong mga bala, at isa pang magazine na loaded din ng mga bala.

Si Kabole ay isa sa mga ASG members na dumukot sa isang Hja Sadday Jalal sa Barangay Kaum-Air, Sumisip, Basilan noong 2009.

Siya ay tagasunod ni ASG Sub-Leader, Pasil Bayali na sangkot sa serye ng harassment sa Basilan.

 

 

 

TAGS: abu sayyaf group, Basilan, Breaking News in the Philippines, coast guard, Inquirer News, munjiral kabole, Philippine News, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, abu sayyaf group, Basilan, Breaking News in the Philippines, coast guard, Inquirer News, munjiral kabole, Philippine News, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.