Oral arguments sa mga petisyon laban sa Anti-Terrorism Act itinakda na ng Korte Suprema
By Dona Dominguez-Cargullo November 20, 2020 - 03:06 PM
Nagtakda na ng petsa ang Korte Suprema para sa pagsasagawa ng oral arguments sa mga inihaing petisyon laban sa Anti-Terrorism Act.
Sa inilabas na abiso ng Supreme Court En Banc, isasagawa ang oral arguments sa January 19, 2021 ganap na alas 2:00 ng hapon.
Gaganapin ang oral arguments sa en banc Session Hall sa SC Main Building.
Nakasaad sa abiso na dapat limitado sa ilang mga isyu ang gaganaping oral arguments.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.