Halaga ng pinsala sa ng Bagyong Ulysses umakyat na sa P10B

Nag-iwan ng mahigit P10 bilyong halaga ng pinsala sa agrikultura at imprastraktura ang Typhoon Ulysses.

Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa nasabing halaga, mahigit P4.213 Billion ay pinsala sa agrikultura sa Regions 1, 2, 3, 4-A, V, CAR at NCR.

Ang Regions 2 at 3 ang pinakamatinding nagtamo ng pinsala sa pananamin na umabot sa P1.1 billion at P1.3 billion ang halaga ng pinsala.

Samantala, umabot naman sa mahigt P6.097 billion ang halaga ng pinsala ng bagyo sa imprastraktura.

Ayon sa NDRRMC, pinakamatinding nagtamo ng pinsala ang Region 2 na umabot sa P2.3 billion ang halaga.

 

 

 

Read more...