Drugmaker na AstraZeneca handang magsagawa ng clinical trials sa Pilipinas
Nagpahayag ng kahandaan ang Anglo-Swedish drugmaker na AstraZeneca na magsagawa ng clinical trials sa Pilipinas para sa binubuo nitong COVID-19 vaccine.
Ayon kay Health undersecretary Maria Rosario Vergeire nakausap na nila nila ang AstraZeneca hinggil dito, kasama si vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr.
Posible ayon kay Vegeire na magsagawa ng clinical trials sa Pilipinas ang kumpanya.
Magandang inidikasyon ito ayon kay Vergeire dahil nais talaga ng pamahalaan na masubukan muna sa mga Filipino ang bakuna bago umpisahan ang malawakang pagbabakuna.
Una nang sinabi ni Galvez na maaring bumili ang gobyerno ng 3 hanggang 5 million doses ng bakuna sa AstraZeneca.
Patuloy din aniya ang negosasyon para maitaas ito sa hanggang 10 million doses.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.