Mahigit 315,000 na OFWs naasistihan sa Hatid-Tulong Program ng pamahalaan

Umabot na sa 315,299 na mga Overseas Filipino Workers (OFWs) ang naasistihan ng Hatid-Tulong Program ng pamahalaan.

Ayon sa Department of Transportation (DOTr) sila ay pawang natulungang makauwi sa kani-kanilang mga probinsya mula sa Metro Manila.

Sa nasabing bilang, 95,783 ang naihatid by land mula PITX.

161,432 ang naihatid by air sa NAIA Terminal 2.

Habang 58,084 ang naihatid by sea sa North Harbor.

 

 

 

 

 

Read more...