Kaso ng COVID-19 sa Baguio City bumababa na
By Dona Dominguez-Cargullo November 20, 2020 - 02:23 PM
Bumababa na ang kaso ng COVID-19 sa Baguio City ayon kay Mayor Benjamin Magalong.
Sa Laging Handa Press Briefing, sinabi ni Magalong na batay ito sa datos nakalipas na dalawa hanggang tatlong linggo.
Nakita rin aniya ng Department of Health na nagkaroon ng downtrend sa lungsod.
Sa kabila nito, nagpatupad ang Baguio City LGU ng mas istriktong COVID-19 measures para sa mga turista na mula sa iba pang bahagi ng Benguet province.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.