Dalawa kabilang ang sub-leader ng Abu Sayyaf patay sa engkwentro sa Sulu
Dalawang miyembro ng Abu Sayyaf Group ang nasawi sa engkwentro sa mga tauhan ng Joint Task Force Sulu Biyernes (November 20, 2020) ng madaling araw.
Ayon kasy AFP WestMinCom Commander Lt. Gen. Corleto Vinluan, Jr., sa ulat na isinumite ni 4th Marine Brigade Commander Col. Ruben Candelario, nagsasagawa ng combat operation ang Marine Battalion Landing Team-1 sa Bud Bawis Complex, Barangay Kawasan, Panamao, Sulu nang makasagupa nila ang grupo ni ASG sub-leader Hatib Munap Binda alas 5:45 ng umaga.
Tumagal ng 30-minuto ang palitan ng putok sa na nagresulta sa pag-atras ng mga rebelde.
Na-recover ng mga sundalo ang katawan ni Binda, isang M16 rifle, at isang M14 rifle.
Sa isinagawang pursuit operations sa mga tumakas na rebelde, muling nagkaron ng engkwentro dakong alas 6:45 ng umaga.
Isang Bensio Barahama naman ang nasawi sa naturang operasyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.