Davao City isinailalim na sa GCQ – Roque

Isinailalim na muli sa general community quarantine epektibo simula ngayong araw hanggang sa Nov. 30, 2020 ang Davao City.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, bunsod ito ng tumataas na kaso ng COVID-19 sa lungsod.

Ani Roque, magtatalaga ng Coordinated Operations to Defeat the Epidemic (CODE) teams sa Davao City para tumulong sa response activities.

Magtatayo din ng One Hospital Command Center sa Davao City.

Habang mga pribadong ospital ay inatasan na taasan ang COVID-19 bed capacity nila ng 20% hanggang 30%.

 

 

 

Read more...